Friday, October 04, 2019

10.04.19 #WagasFirstDate- Episode 5

A quick recap about Wait lang... Is This Love Episode 5: 


Nag-umpisa na ang KPop Pares nina Yummy. At sobra ang pagpapasalamat nila kay Cedrick sa pagtulong nito financially.

Nagseselos naman si Eugene sa mga naitulong ni Cedrick dahil siya ay di makatulong financially. Ngunit siya naman ang kasama ni Yummy na mag-isip ng bagong concept para sa paresan.

Kapansin-pansin ang pagseselos ni Eugene dahil maging sa pagsasara nila, pag aayos ng upuan ay nagdadabog ito habang pinag uusapan nina Bane at Yummy si Cedrick.

Pinagluto naman ni Yummy si Eugene dahil sa pagtulong nito sa Paresan at pagtulong sa bagong concept ng paresan at ‘yun nga ang KPop Pares.

Nagsi-alisan ang ibang customers ng KPop Pares dahil hindi sila makakakain ng maayos dahil may mga trabahador sa tapat at nasasagap nila ang alikabok at buhangin na tinatrabaho nila. Buti na lang at dumating si Cedrick at napakiusapan ang may ari na itigil muna at ayusin ito.

Nadaanan naman ni Cedrick si Yummy na naglalakad papuntang palengke. Sinabi nito na makisabay na lang sa kanya si Yummy at samahan siyang mamalengke. Gusto talagang i-date ni Cedrick si Yummy kaya’t pagkatapos nilang mamalengke ay magdedate ang dalawa.

Samantala, sa KPop Pares, laking gulat ng dalawang tiya ni Yummy nang muling bumisita si Rex.

ABANGAN ULIT SA LUNES ANG MGA SUSUNOD NA PANGYAYARI SA WAGAS!

No comments:

Post a Comment