Saturday, October 05, 2019

10.04.19 #OOTBluh- Episode 5

One Of The Baes Recap:

#OOTBluh trends nationwide, 5th spot!


Si Grant ang sumagip sa pagkahulog ni Jowa! Buti na lang..


Nagkaasaran pa ang dalawa. May utang na loob na raw ngayon si Jowa kay Grant. At hindi lang madadaan sa Thank You.

Dahil sa pagsagip sa may ari ng school na si Alona, nabigyan ng exemption si Grant sa kulay ng buhok. Ayos lang kahit gano’n ang kulay ng kanyang buhok na dapat ay itim. At ipinasa na ni Madam si Jowa sa exam kahit hindi ito nakapagtake at binigyan pa siya ng full scholarship dahil sa malaking utang na loob ni Alona kay Jowa.

Masaya man si Jowa na nabigyan sya ng pagkakataong makapag-aral sa pinapangarap niyang eskwelahan ay nag aalala pa rin siya sa magiging reaksyon ng kanyang Paps. Dahil ayaw siyang maging seaman nito. Kung kaya’t pagkauwi nila ng bahay ay nakapagsinungaling si Jowa kay Paps at di pa sinabi ang totoo.

Lakas makapag-“Grand entrance” mali naman pala ang suot na uniform 😂

Samantala, walang katao-tao sa boarding house nila Paps dahil nagsipasok ang boarders niya kabilang na rin si Jowa.

Nagpunta si Paps sa kwarto at dahil wala siyang kasama, naalala niyang isuot ulit ang luma niyang damit na matagal na niya di nasusuot.

Unang araw pa lamang ng pasukan ay nahirapan na sina Jowa. 



Mas pinapahirapan ni Xtina si Jowa sa mga ginagawa nila.

ABANGAN SA LUNES ANG MGA SUSUNOD NA KAGANAPAN!!


No comments:

Post a Comment