Friday, October 04, 2019

10.03.19 #OOTBanovah- Episode 4

A quick recap from last episode’s happenings on One Of The Baes:


May nasira daw sa banyo nila Carmina kaya’t nagpatulong ito kay Paps. Ngunit parang hinaharot lang naman niya si Paps at wala naman talagang nasira.

May napulot namang baby picture si Jowa sa may simbahan ngunit laking gulat nito nang kamukha niya noong baby pa lang siya ang nasa litrato. At habang pinagmamasdan niya ito, naabutan siya ni Paps at tinanong kung saan niya nakuha ang litrato. Pinatago muna ni Jowa ang litrato kay Paps.


 Pinag-usapan naman ng magbestfriend na Xtina at Dorie si Grant na matagal nang naghahabol kay Xtina. Bakit hindi na raw sagutin ni Xtina si Grant? At ang sabi naman ni Xtina, “Eh di kung sinagot ko siya wala nang maghahabol sa’kin? Ang saya kaya na may naghahabol sayo.” Kaya’t ipinasa ni Dorie ng literal ang korona niya kay Xtina dahil siya nga daw ang “Crown Princess” ni Grant.

Sa gitna ng pag-uusap ng magkaibigan ay naririnig na nilang nanghaharana sa labas ng bahay si Grant para kay Xtina at syempre dahil vlogger nga si Grant, naka-live ang panghaharana!

Samantala, may bagong boarder naman si Paps. At dahil may pinakita agad siyang pambayad, di nag-atubili si Paps na patuluyub na ang bagong boarder sa kanilang tirahan kahit di pa niya ito na/babackground-check.

Marami-rami na ang laman ng ATM ni Jowa. At sa gitna ng kanyang paghuhulog sa kanyang mga alkansya ay nasilip siya ng bagong boarder at nakita ang napkaraming ipon ni Jowa. 

May tinawagan ito at mukhang talagang matagal na niyang binabalak ang pagnakaw ng pera.

 Maganda ang naging panaginip ni Jowa ngunit salungat naman ito ng paggising niya. Pagkatingin pa lang niya sa pinaglalagyan niya ng kanyang mga ipon ay di na niya ito makita kung kaya’t laking nerbyos nito at sinabi sa ka-baes at kanyang Paps.

Nagpunta ang Baes at si Jowa  sa school upang tingnan kung nakapasa ba ang boys sa exam. At ayun na nga, nakapasa sila at dahil hindi nakapagtake ng exam  si Jowa, wala ang kanyang pangalan doon.

Dahil sa gulo sa school, muntik nang mahulog si Alona sa building. Buti na lang at nagmagandang-loob si Jowa para tulungan si Alona. Ngunit sa pagtulong ni Jowa ay siya ring ikapapahamak niya? 

FULL EPISODE OF ONE OF THE BAES Episode 4 here:
(to follow)

ABANGAN MAMAYA ANG MGA SUSUNOD NA KAGANAPAN...

No comments:

Post a Comment