WATCH THEIR RECENTLY POSTED VLOG ON YOUTUBE. LINK BELOW:
GMA Tweens
Hashtags of the day. Trending topics all-day related to Tweens.
Tuesday, October 08, 2019
Saturday, October 05, 2019
BLACK LIPSTICK: Grand Fancon
It’s Black Lipstick’s Grand Fancon on October 26, 2019 at Starmall Alabang!
May gusto ka bang itanong sa cast ng Black Lipstick na sina Kyline Alcantara, Manolo Pedrosa, Kate Valdez, at Migo Adecer? Punta na mga Kapuso! See you there!
BLACK LIPSTICK (In Cinemas, October 9, 2019)
10.04.19 #OOTBluh- Episode 5
One Of The Baes Recap:
#OOTBluh trends nationwide, 5th spot!
Si Grant ang sumagip sa pagkahulog ni Jowa! Buti na lang..
Nagkaasaran pa ang dalawa. May utang na loob na raw ngayon si Jowa kay Grant. At hindi lang madadaan sa Thank You.
Dahil sa pagsagip sa may ari ng school na si Alona, nabigyan ng exemption si Grant sa kulay ng buhok. Ayos lang kahit gano’n ang kulay ng kanyang buhok na dapat ay itim. At ipinasa na ni Madam si Jowa sa exam kahit hindi ito nakapagtake at binigyan pa siya ng full scholarship dahil sa malaking utang na loob ni Alona kay Jowa.
Masaya man si Jowa na nabigyan sya ng pagkakataong makapag-aral sa pinapangarap niyang eskwelahan ay nag aalala pa rin siya sa magiging reaksyon ng kanyang Paps. Dahil ayaw siyang maging seaman nito. Kung kaya’t pagkauwi nila ng bahay ay nakapagsinungaling si Jowa kay Paps at di pa sinabi ang totoo.
Lakas makapag-“Grand entrance” mali naman pala ang suot na uniform 😂
Samantala, walang katao-tao sa boarding house nila Paps dahil nagsipasok ang boarders niya kabilang na rin si Jowa.
Nagpunta si Paps sa kwarto at dahil wala siyang kasama, naalala niyang isuot ulit ang luma niyang damit na matagal na niya di nasusuot.
Unang araw pa lamang ng pasukan ay nahirapan na sina Jowa.
Mas pinapahirapan ni Xtina si Jowa sa mga ginagawa nila.
ABANGAN SA LUNES ANG MGA SUSUNOD NA KAGANAPAN!!
MAINE MENDOZA: Bag Raid
Ano nga ba ang laman ng bag ni Maine? More on girly things? Or not? Is her bag always full? Find it out here:
Thank you, Darla Sauler for the video 💕
Friday, October 04, 2019
10.04.19 #WagasFirstDate- Episode 5
A quick recap about Wait lang... Is This Love Episode 5:
Nag-umpisa na ang KPop Pares nina Yummy. At sobra ang pagpapasalamat nila kay Cedrick sa pagtulong nito financially.
Nagseselos naman si Eugene sa mga naitulong ni Cedrick dahil siya ay di makatulong financially. Ngunit siya naman ang kasama ni Yummy na mag-isip ng bagong concept para sa paresan.
Kapansin-pansin ang pagseselos ni Eugene dahil maging sa pagsasara nila, pag aayos ng upuan ay nagdadabog ito habang pinag uusapan nina Bane at Yummy si Cedrick.
Pinagluto naman ni Yummy si Eugene dahil sa pagtulong nito sa Paresan at pagtulong sa bagong concept ng paresan at ‘yun nga ang KPop Pares.
Nagsi-alisan ang ibang customers ng KPop Pares dahil hindi sila makakakain ng maayos dahil may mga trabahador sa tapat at nasasagap nila ang alikabok at buhangin na tinatrabaho nila. Buti na lang at dumating si Cedrick at napakiusapan ang may ari na itigil muna at ayusin ito.
Nadaanan naman ni Cedrick si Yummy na naglalakad papuntang palengke. Sinabi nito na makisabay na lang sa kanya si Yummy at samahan siyang mamalengke. Gusto talagang i-date ni Cedrick si Yummy kaya’t pagkatapos nilang mamalengke ay magdedate ang dalawa.
Samantala, sa KPop Pares, laking gulat ng dalawang tiya ni Yummy nang muling bumisita si Rex.
ABANGAN ULIT SA LUNES ANG MGA SUSUNOD NA PANGYAYARI SA WAGAS!
KYLINE ALCANTARA & MIGO ADECER: At SM Center Dagupan Grand Opening
Sobrang daming tao ang nagpunta sa grand opening ng SM Center Dagupan! Sa isang tweet ng kasama ni Kyline ay kailangan daw i-cancel ang pagkanta dahil hindi ma-control ng security ang mga tao. Hindi na rin halos marinig ang boses nila sa lakas ng hiyawan ng mga tao. Watch this video below:
Another facebook live from What’s Up Dagupan?. Click the link to watch:
KLEA PINEDA & JERIC GONZALES: ‘Magkaagaw’ Loveteam
Fresh loveteam ang ating aabangan sa GMA’s Upcoming Afternoon Prime na ‘Magkaagaw’. Ito ang loveteam nina Klea at Jeric! Stay tuned for more updates on them.
They look good together, aren’t they? 💕
Subscribe to:
Posts (Atom)